Now Playing Tracks

Trouble sa kalsada… Napaaway ako… -Yeng C.

yengonthemission:

image             

           Marami siguro ang nakakaalam sainyo na nitong kailan lang ay bumili ako ng bagong sasakyan… Sobrang saya ko kaya ishinare ko agad sa Instagram ko ang picture ng bago kong sasakyan… Ang saya ko kase after 3 years eh nasundan ko na rin yung una kong van na binili… :) Nung makita ko yung sasakyan sa unang pagkakataon eh sobrang naexcite ako ang sabi ko tungkol sa sasakyan eh.. “wow ang pogi nya..” hehehe.. at lalo tuloy ako naexcite matuto magdrive (at kailangan ko na nga pala talagang mag-enroll naalala ko lang..)

            Kahapon sa unang pagkakataon eh ginamit ko na ang bago kong sasakyan.. Una kong pinuntahan eh ang Medical City.. akalain ko ba nga naman noh? Ospital? hehehe… Nagpacheck up ako sa doctor dahil almost one week na ang paos ko from watching The Voice… Nung pumasa si Thor napatalon talon ako at talagang di ko naalalayan ang pagisgaw ko dahil sa sobrang overwhelmed… (nga pala po kapatid ko si Thor sa Cornerstone Talent Management sobrang proud po kame sakanya sana po iboto nyo sya ehhehe…) Anyways… So ayun for 4 days napuna ko na parang walang nagbabago sa pumunta ako ng Hospital at nalaman ko nga na kailangan kong magvoice rest for 7 days… as in NO SINGING, AND NO TALKING… Kung singer po kayo maiintindihan nyo po ako na sobrang nalungkot po ako.. di ko po talaga kayang lumaon ang araw na di po ako nakanta… At may mga gigs po kailangan po icancel, nakakahiya sa mga kliyente… kaya nasad po talaga ako…

            Pero sa kabila ng mejo lungkot eh dumeretso kame ng Assitant kong si Ate Tinay at Driver kong si Manong Buddy sa mall dahil nagcelebrate  kame ng birthday ni Manong Buddy nung 23 at nakalimutan namin…Kain kame tapos batian portion… Ang saya namin natapos kumain… At kahit papaano eh napawi ang lungkot ko tungkol sa sinabi ng doctor… So nagdecide na kame na umalis na at dumeretso na pauwi ng bahay…

            Traffic… Kung baga yung condo ko eh 5 mins lang from the mall, magtetake ng mga 20-30 mins sa usad pagod na traffic.. Pero cool lang naman ako… Nang biglang……. may narinig kame ni manong na tunog galing sa labas ng sasakyan ko… At may lumampas na blue na kotse… Pagtingin ko kay manong nanlaki mata nya… Sabi ni Manong Buddy “Ma’am dumaplis” .. something na ganun ang mensahe… ako rin tuloy nanlaki na ang mata ko… sabi ko ” Huh? ” Lumabas si Manong sasakyan sa gitna ng traffic at nang masilip ang gilid ng sasakyan eh kinumpirma nya  na may malaking guhit ng gasgas ang sasakyan…  

           Dahil traffic nakikita pa namin ang blue na kotse at pero pasingit singit sa mga sasakyan kahit wrong way na eh talagang pinauubra pa na singitan ang traffic… Tumigil ng tuluyan ang usad ng traffic kaya nagdisisyon si manong na bumaba at kausapin ang driver ng blue na sasakyan… Nakita ko sa hand gesture ni manong na sinasabi nyang “kailangan mong tumabi mag usap tayo” … Pagbalik ni Manong ng sasakyan nakita namin na lalong naging aligaga ang blue na kotse para sumingit sa traffic at papalayo samin hindi pagilid ng kalsada, kaya ang lungkot ko ay unti unting tumawid sa galit at tuluyan na nga nanginig ang laman ko at nawalan na ng self-control… 

           Napalabas ako ng sasakyan at naglakad sa traffic at hinabol ang blue na kotse sa usad pagong na andar ng mga sasakyan… Nung papalapit na ako nakita ko na sinisipat ako ng isang lalaki sa salamin sa gilid ng sasakyan at kinakausap ang driver… Nang nakalapit na ko sa bintana napalo ko ng malakas ng pinto ng sasakyan dahil sa galit at sinabi ko sa driver na “Kuya bastos ka.. gumilid ka nagasgasan nyo po yung sasakyan ko wala po kayong pakealam?…” lumuwag bigla ang traffic biglang humarurot ang blue na kotse at iniwan ako sa gitna ng kalsada… 

           Lalong nanginig ang laman ko at nagalit na nga ng tuluyan… bumalik ako sa sasakyan ng patakbo para mahabol namin ang blue na kotse.. Naalala ko ang mukha ng dalawang nakasakay sa kotse siguro may edad 52-56 years old dalawang lalaki na mapupula ang mata… Pero sa kabila nun parang di sumagi sa isip ko ang matakot sa galit hinabol talaga namin ang sasakyan at nakarating sa intersection at nakakita ng traffic enforcer at sinesyasan namin na parahin ang blue na kotse. Pinara ang blue na kotse at gumilid naman ito. Pagkagilid namin napatigil kame sa harap ng isang talipapa madaming tao… Bumaba ako ng sasakyan at dumeretso sa driver at pasigaw na ang bawat binitiwan kong salita.. “Kuya Bastos ka! Bastos ka! Kinausap ka kanina ng maayos na gumilid ka ginawa mo tinatakasan mo kame?!? Bastos ka ang tanda mo ganyan ang ugali mo may anak ka naman siguro kuya? Kinausap ka ng driver ko ng maayos! Bastos ka!!!!” 

            Di ko alam kung ilang beses kong sinabi sa lalaking iyon na may mapulang mata na bastos sya.. sobrang kawalan ng respeto talaga ang naramdaman ko ng mga oras na yun… Una, naapektuhan ako dahil pinagpaguran ko ang pinambili ng sasakyan… Pangalawa, pwede naman mapag-usapan pero pinili nyang humarurot at takasan ang pagkakamali na ginawa nila.

           Siguro sa sobrang init ng ulo ko eh di lang yan ang mga nasabi ko halos di ko narin matandaaan ang laha, napansin ko nalang na napapaligiran na kame ng napakaraming tao… At lumabas sya ng sasakyan… At humingi ng tawad… Ayaw pumayag ng puso ko tanggapin yung paghingi ng tawad… sobrang kitang kita ang pagkakamali na ginawa nya… Sa loob ko kung “dapat kuya kanina ka humingi ng tawad nung nakita mo na nagasgasan mo ang sasakyan… o baka naman sinadya nyo po dahil napagtripan nyo po ang sasakyan dahil nakita nyong bago…” ganun talaga ang mga tumatakbo sa isip ko kaya ayaw ng puso ko magpatawad… Sobrang hirap na hirap ako nung time na yun dahil may mas masasakit pa akong gustong sabihin pero inimpit ko nalang na di sabihin… 

             Habang nagpapatuloy sya humingi ng tawad na.. “Ma’am pasensya na po bday ko po ngayon.. Sorry ho… patawad po sa kasalanan na nagawa ko..” Eh naamoy ko na amoy alak ang matandang ito… Nakita ko sa mukha nya na may amats nga… Di ko tuloy lalo alam mararamdaman ko.. di ko alam kung narinig ba ng traffic enforcer ang sinabi kong "Kuya birthday nyo po ngayon kaya amoy alak ho kayo???" di ko alam kung ayos lang ba na magdrive ng lasing.. Basta naguluhan ako lalo sa mararamdaman ko..

            Sa tagal ng balik na sumbatan at pahingi ng tawad nagdisisyon na rin ang patawarin sya kahit di nag aagree ang puso ko…Niletratuhan nalang namin ang lisensya nya at ang sasakyan nya… 

            Pagpasok ko ng sasakyan ininform ko nalang ang mga handlers ko na sina Ate Marien at Kuya Jeff sa nangyari at tinanong nga ako ni Ate Marien at tinanong ako kung nakapag file ako ng police report.. (actually di ko na naisip yon… kaya kaninang umaga pinasuyo ko sa assistant ko) at umiyak nalang ako sa telepono… At finally Tinawagan ko ang Mentor ko na si Ate Acel… Sobrang gumaan ang pakiramdam ko… 

            Nang mahimasmasan na ko sa galit eh nagdecide na ko sa heart ko na iforgive ang matanda… Di ko alam kung sinadya nya ba na gasgasan ang sasakyan, o hindi. Hindi ko alam bakit nya nagawang humarurot sa kalsada ng ganun at naisin na takasan ang ginawa nya. Hindi ko alam.. Basta sa puso ko nagdisisyon akong patawarin sya… Mahirap pero wala na naman akong magagawa… nasabi ko na ang dapat kong sabihin at pati na nga rin ang mga di ko dapat sabihin sakanya ay nasabi ko pa…

            Sa totoo lang masakit din sakin na makita ang sarili kong naging ganun… Di ko akalain na puputok sa galit ang puso ko to the point na mawawalan talaga ako sa ulirat… At kahit anong sabihin ko eh halos kaedad ng tatay ko ang matandang yun… May mga nasabi ako sakanya na di ko na mababawi… Ang pinakamasklap dun gusto kong maging isang magandang halimbawa ng pagiging magalang at marespeto, pero anong nangayri?

             Kung pinatawad ko na si Manong na yun (di ko manlang nga nakuha ang pangalan nya)… Kailangan ko rin patawarin ang sarili ko… Dahil nagkamali din ako… Sobrang grateful ako kay God… Kase sobrang bigat ng pakiramdam ko kahapon… Pero sa presensya nya at mga taong pinapaligid nya sa buhay ko eh gumaan ang pakiramdam ko… Kung ang Dyos nga nagtawad at patuloy na nagpapatawad sino ba ako para hindi? At kung ikukumpara ko lahat ng naranasan Nyang pang aapi nung pumunta Sya dito sa lupa para maligtas tayo walang wala lang ang gasgas ng sasakyan ko… hehehe…

              I pray for that Manong na makilala nya si God … Para malaman nyang pwede magbago ang direksyon ng buhay nya… Na sa susunod na birthday nya di na nya kailangan mag-inom para maging masaya … Di narin sya susuray suray sa pagddrive ng kotse sa panahon na yun.. :)

              Ang gaan ng pakiramdam ko… SI GOD LANG MAY KAYANG GUMAWA NITO….

Natutunan ko?

“In your anger do not sin”[a]: Do not let the sun go down while you are still angry..” Ephesians 4:26 

Luke 23: 34 “Then said Jesus, Father, forgive them; for they know not what they do.”

BE BLESSED! 

Grabe!  Andami ‘kong natutunan sa blog na ‘to ni @YengPLUGGEDin. :)

Okay lang yun Ate. Tao ka lang rin po. Importante, napatawad mo siya. :)

I love you Ate! :))

Myx Music Awards 2013…

yengconstantino:

          Excited akong pumunta sa MYX MUSIC AWARDS kagabi ( March 20, 2013). Yung maimbitahan ka lang na pumunta dito isang malaking karangalan na, yung manominate ka eh lalo na.. :) Isa pa sa nagpaexcite sakin ay ang paglakad sa red carpet paakyat ng Music Museum. Gusto ko talaga ang dress ko kagabi. At syempre, sobrang sarap talagang tignan ang pagsasama-sama ng mga musikerong pinoy sa isang gabing katulad nito.. :)

          Taon-taon pagpupunta ako ng MYX MUSIC AWARDS di naman ako nag-eexcpect na manalo… Yung totoo mapasama ka palang sa mga nominado, FIREWORKS na yun sa puso ko! :) 

          Kaya ng tawagin ang pangalan ko bilang nanalo sa category na Favorite Female Artist nagulantang ako!!!

image

               Pero pinilit kong ihold ang sarili ko together para makapagpasalamat ng maayos at di rin masayang ang make-up at pag aayos ng aking buhok dahil sa totoo lang.. ANG PANGIT KONG UMIYAK!!!! hahahahah!

              Hapon bago ang MYX MUSIC AWARDS 2013 nasa kotse ako pauwi ng bahay… Nakatanggap ako ng txt galing sa Star Records Number 2 daw ang album kong METAMORPHOSIS sa ASTRO-PLUS kasama album ng mga foreign acts… GULAT AKO! 

             Tapos nung gabi nanalo pa ako sa MYX! Kaya pagdating ko sa backstage naglalakad ako on the way sa interview na naiyak na ko… :’) TEARS OF JOY! Sobrang overwhelemed ako sa mga pagpapala na natatanggap ko… Hindi ko maexpress lamang sa pagpapasalamat kailangan kong umiyak… :’) :’) :’)

image

            Pagkatapos ng interview dun ko na isip! SHUCKS! ANG PANGIT KO FOR SURE SA MGA INTERVIEWS KO! ahahahahahaha! Pero ayos lang…. una wala na akong magagawa na record na nila yon.. pangalawa… Yun talaga ang nararamdaman ko ayoko rin itagao… :)

            Salamat sa mga BUMOTO!!!! Sa mga kapwa musikero ko na bumoto din sakin maraming salamat!!!! :) Salamat sa Cornerstone Family ko, StarMagic Family and Star Records Family… :) Salamat sa YENGSTERS KO! Kayo ang isa sa pinakamalupet na award sakin ng Dyos! :) 

Salamat kay GOD para to Sakanya! :) Para sa PAG-IBIG!!!! image

TAGUMPAY PARA SA PAG-IBIG!!!!  

Photo Credits: Jude Ng and Rinna Leong 

Experience sa Singapore…

yengconstantino:

            Nabigyan po ako ng pagkakataon na sa unang pagkakataon ay makakanta para sa isang local concert sa Singapore sa pamamagitan ng Academy of Rock Singapore… Ang sarap po ng pakiramdam na makapagperform din sa harap ng ibang mga lahi.. :) 

            Parangarap na natupad po talaga ito po yung mga kinanta ko…

1. Fame

Tapos yung original ko pong kantang “Salamat” galing saking first album.. Nakakatuwa may mga kababayan tayong pumunta! sumabay din sila.. Ever supportive Pinoys! Salamat po! :)

2. Salamat 

Sobrang sarap po ng pakiramdam ko habang kinakanta ko yan.. Kahit karamihan sakanila di naiintindihan ang lyrics ng kanta ko nakakatuwa po na nagustuhan nila ang aking awitin.. :)

       Sumunod after ng dalawang kanta dapat kakantantahin ko po ang B.A.B.A.Y kaso lang hindi gumana ang CD ko.. Pero may dahilan nga po siguro kung bakit di gumana ang CD.. Panuorin nyo po ito…

3. B.A.B.A.Y pero naging Hawak Kamay

Sobrang saya ko po talaga sa naranasan kong ito.. Sobrang pasalamat ko kay God sa blessing na ito…

At isa parin po talaga sa pinagpapasalamat ko ay yung pinarangalan pa nila ako ng Honorary Licentiate na ito bilang Musician and Performer… :)

Grateful!

image

Metamorphosis Album Launch..

yengconstantino:

image

I am the happiest woman on earth kagabi.. :)

Hindi ako nakapag-umagahan, tanghalian at hapunan dahil sa sa sobrang excitement ko sa launch ng pinakabago kong album.. Siguro ganun din ang pakiramdam ng pag-inlab.. Di na makatulog, DI PA MAKAKAIN! heheheh!

image

Hahay naku! :) Tinamaan ng magaling parang di na makakita ng iba… Puro nasa isip ko talaga itong 5th Album kong Metamorphosis… Pwera biro… di pa ko naging ganito kaexcited sa buong buhay ko!!! :) Ito ang isa sa pinaEXCITING na project na ginawa ko… Nasa rurok ako ng ligaya ngayon… :)

image

Sa sobrang excited ko dalawang outfit hinanda ko para sa gabing ito.. At pareho kong nasuot.. :) YEY! 

Set list:

1. Hahanapin kita

2. Josephine

3. Chinito

4. Sandata

5. B.A.B.A.Y

6. Di pa huli

7. Yellow (by Coldplay)

8. Hinahanap-hanap kita (rivermaya)

9. Magasin (eraserheads)

10. Messiah

11. Pangarap lang

Sumobra ng isang kanta pareho yung set ko para sa mga Media Friends at dun din sa pangalawang set ko na kasama lahat ng trip manuod.. :)

Sarap tumugtog.. sarap kumanta.. ang sarap sumayaw.. 

image

image

image

image

Salamat po sa lahat ng pumunta! :) Sa MEDIA FRIENDS… Sa mga FURRIENDS ko.. :) at syempre sa MAKAPANGYARIHANG YENGSTERS! :)

STAR RECORDS, STAR MAGIC CORNERSTONE!!!! Maraming salamat sa paniniwala sakin.. :) Atimage

At saiyo na bumili na ng METAMORPHOSIS… Salamat.. Kung hindi ka bumuli titigan mo ang muka ko… :) hehehe! bili ka na.. :) 

Mahal ko kayo.. Mahal ko ang MUSIKANG PILIPINO!!! MABUHAY OPM!!!!

Para makita ang sulat mula sa MYX tungkol sa LAUNCH ng METAMORPHOSIS CLICK THIS

Salamat sa mga letrato pag-aari ng MYX.. Pwera sa isa kay Rinna Leong

We make Tumblr themes